Kambal at 3 Iba pa, Patay Matapos Malunod

35

Cauayan City, Isabela-Patay ang limang katao na kinabibilangan ng dalawang kambal na lalaki matapos malunod sa ilog Cagayan sa Barangay Malabbac, Iguig, Cagayan.

Nakilala ang mga nasawi na sina John Loui Coballes, 7 anyos, John Nijel Coballes, 9 anyos; Marisol Duldulao, 27 anyos; John Richard Tapar, 11 anyos at kambal nito na si John Ric na pawang mga residente ng Malabbac, Iguig, Cagayan.


Kasama rin sa mga nalunod subalit nakaligtas sa trahedya si John Ace Duldulao, 10 taong gulang na residente rin ng Brgy. Malabbac.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa Cagayan river ang mga nasabing biktima upang maligo at habang nasa ilog ang mga ito ay bigla na lamang nalunod ang limang mga bata na tinangka namang sagipin ni Marisol Duldulao.

Habang sinasagip ang mga nalulunod ay naisama na rin ito sa tinangay ng tubig hanggang sa sila’y malunod.

Narekober naman ang kanilang mga katawan ng mga rumesponde at naisugod sa ospital subalit tanging si John Ace Duldulao lamang ang nakaligtas habang binawian naman ng buhay ang mga kasamahan nito.

Una nang ipinagbabawal ng mga otoridad ang pagligo sa Cagayan river dahil sa panganib na dulot nito.




Kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan ang mga nasawi sa trahedya.

Facebook Comments