Kambal na babae sa England, magkasunod na nasawi dahil sa COVID-19

203

Tatlong araw lamang ang naging pagitan ng kamatayan ng kambal na babae mula Southern England dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa report ng BBC.com, parehong nagtatrabaho bilang nurse ang magkapatid na Katy at Emma Davis, 37, at magkasamang nakatira sa iisang bahay.


Kwento ng kanilang kapatid na si Zoe, “They always said they had come into the world together and would go out together as well.”

Sabay daw na nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 ang dalawa.

Dagdag ni Zoe, bata pa lang ay hilig na ng kambal ang magkunwaring doktor at nurse habang bitbit ang kanilang mga manyika.

“All they ever wanted to do was to help other people. They gave their everything to all the patients they looked after. They were exceptional … It doesn’t feel like any of this is real,” saad niya.



Kapwa nagtatrabaho sa Southampton Children’s Hospital ang kambal kung saan nasawi ang pediatric nurse na si Katy noong Martes habang isa namang surgical nurse si Emma na binawian ng buhay noong Biyernes.


Facebook Comments