Isang pagtatangka para magkaroon ng “religious war” sa Pilipinas ang nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kung saan 22 na ang nasawi habang mahigit 100 ang nasugatan.
Ito ay ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.
Una rito, sinabi ng kalihim na base sa intelligence report, Indonesian suicide bombers sa ilalim ng Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pambobomba.
Pero aniya, kinukumpirma pa nila ito at tutulong ang Indonesian government para makilala ang pinaghihinalaang suicide bombers.
Kasabay nito, kinukumpirma rin nila ang anggulong intensyon ng mga dayuhan na pasiklabin ang hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano kaya mga simbahan ang tinatarget nilang pasabugin.
Facebook Comments