KAMBISITA PROGRAM | Mga residenteng lumikas sa Marawi City, binisita ang kanilang mga tahanan

Marawi City – Bumalik sa kani-kanilang tahanan sa Marawi City ang libo-libong residenteng lumikas dahil sa nangyaring bakbakan doon.

Ayon kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra, nasa lima hanggang pitong libong Bakwit mula sa Barangay Daguduban at tulali ang pinayagang bisitahin ang kanilang mga bahay sa lungsod.

Aniya, bahagi ito ng “kambisita program” ng task force bangon Marawi.


Maaari aniyang bumisita ang mga Bakwit sa kanilang mga bahay mula alas-7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon hanggang April 3.
Nakatakda namang buksan sa mga susunod na araw ang ibang pang mga barangay para mabisita ng ibang residente.

Facebook Comments