Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Balangiga, Eastern Samar na gawing special holiday ang Disyembre 15 bilang paggunita sa pagbalik ng mga makasaysayang kampana matapos ang 117 taon.
Ayon kay Eastern Samar tourism officer Fe Campanero, nais nilang gunitain ang mahalagang petsa gaya ng kanilang paggunita sa Balangiga massacre tuwing Setyembre 28.
Sabi pa ni Campanero, sumigla ang ekonomiya ng kanilang bayan sa pagbabalik ng mga kampana dahil sa pagdagsa ng mga turista.
Matatandaang ang tatlong kampana ay tinangay ng mga Amerikanong sundalo sa kasagsagan ng Philippine-American war bilang “war booty.”
Facebook Comments