KAMPANA NG MINOR BASILICA OF MANAOAG, PINATUNOG KASABAY NG LIBING NI POPE FRANCIS

Nakiisa ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa pagdadalamhati ng Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pope Francis hanggang sa funeral rites nito noong Sabado.

Labing dalawang minuto pinatunog ang kampana ng simbahan kasabay ng libing ng Santo Papa bilang paggunita sa labing dalawang taon na paninilbihan nito bilang lider ng mga katoliko simula 2013.

Bukod dito, nauna nang nagsagawa ng misa si Archbishop Socrates Villegas katuwang ang mga obispo at pari sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Kaugnay nito, ilang simbahan sa Pangasinan ang nagsasagawa ng recitation ng dasal para sa Santo Papa kalakip ng bawat eucharistic mass. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments