Kampaniya kontra polio ng DOH, halos kumpleto na

Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) na halos kumpleto na ang pagbabakuna ng anti-polio sa  mga piling lugar sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umaabot na sa 96 na percent ang sumailalim sa  Sabayang Patak Kontra Polio campaign sa mga lugar sa Metro Manila at sa  Mindanao.

Pinasasalamatan ng kalihim ang mga katuwang nilang kagawaran na tinawag niya na “partner-bakunators” dahil sa kanilang pagtitiyaga na mabakunahan ang mga kabataan lalo na at kahit hindi na duty ay tuloy pa rin ang pagtratrabaho upang makatiyak na lahat ng bata ay mabakunahan.


Kabilang sa mga nakatuwang ng DOH sa Sabayang Patak Kontra Polio ay ang medical societies, medical students’ organizations, non-government organizations, people’s organizations, faith-based organizations, academe, business sector at iba pang development partners ng health department.

Matatapos ang Sabayang Patak Kontra Polio sa  NCR at ang second round sa buong  Mindanao sa November 25, 2019 habang ang third round sa buong Mindanao ay itinakda sa  January 6, 2020.

Facebook Comments