KAMPANTE | Impeachment proceedings laban kay CJ Sereno, posibleng maiakyat sa Senado bago matapos ang Mayo

Manila, Philippines – Kumpiyansa si House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na maiiakyat sa senado ang impeachment proceedings laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago matapos ang buwan ng Mayo.

Taliwas ito sa naging pahayag kahapon ni Senator Tito sotto na malabong masimulan ang pagdinig sa May.

Ayon kay Umali, may 10 session days ang rules committee para ikalendaryo ito sa plenaryo ng kamara para isalang sa botohan.


Kampante rin ang mambabatas na walang magiging aberya kapag pinagbotohan na ito sa plenaryo.

Matatandaang sa 27 alegasyon ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno, 24 ang ginamit ng komite na basehan sa mga grounds ng impeachment case.

Anim na articles of impeachment naman ang inaprubahan ng komite na nakatakdang isalang sa botohan.

Facebook Comments