Mas pinaiigting pa sa Dagupan City ang kampanya ng pamahalang lokal kontra bullying, lalo na sa loob ng mga paaralan.
Patuloy ang pagbibigay abiso at paalala ng pamahalaang lokal, lalo sa mga magulang, ukol sa mga warning signals na nakakararanas na ng bullying ang isang bata.
Mariing iginiit ng awtoridad na hindi lamang maliit na bagay ang pagkakasangkot sa kaso ng bullying at kahit kailan ay hindi ito magiging normal.
Mainam rin umano na pakinggan ang hinaing o saloobin ng mga bata upang maramdaman nila na sila ay napakikinggan at hindi matakot na magsalita ukol sa kanilang mga nararanasan sa kanilang kapaligiran.
Bukod dito, isa sa inisyatibong pinapairal rin sa lungsod ang proteksyon at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan tulad ng pagbabahagi ng kaalaman sa mga paaralan ukol sa kampanyang bad touch at good touch.
Para naman sa mga nakararanas ng bullying maaaring tumawag sa 0960-260-6036, at para naman sa mga kababaihang nakararanas ng pang-aabuso at child trafficking, maaaring tumawag sa 0933-378-8888. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







