KAMPANYA KONTRA CHILD LABOR, HIGIT PANG PAIIGTINGIN SA REHIYON DOS

Cauayan City – Layunin ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 na tuluyang mawakasan ang Child Labor sa buong lambak ng Cagayan.

Ito ang inanunsyo ng ahensya kasabay nang selebrasyon ng 2024 World Day Against Child Labor Information at Serbisyo Caravan sa bayan ng Solana, Cagayan, noong ikatlo ng Hulyo sa pangunguna ng Strategic Helpdesk for Information, Education, Livelihood and other Developmental Intentions Program Against Child Labor ng DSWD.

Watch more balita here: PADDARAFUNG FESTIVAL NG CARABATAN GRANDE, GINUGUNITA


Upang ito ay mapagtagumpayan, mas paiigtingin pa ng ahensya ang pagpapatupad ng mga programa at paghahatid ng tulong sa mga biktima ng Child Labor.

Samantala, dumalo naman sa naturang programa ang 50 child laborers kasama ang kanilang pamilya kung saan bukod sa paghahatid ng kaalaman patungkol sa child labor ay nakatanggap din sila ng pinansyal na tulong at mga kagamitan mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments