KAMPANYA KONTRA CHILD LABOR, MAS PINALAKAS NG DOLE

Cauayan City – Bilang bahagi ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP), nagbigay ang DOLE Cagayan ng kabuhayan sa 29 magulang at tagapag-alaga ng mga batang manggagawa sa Rizal, Cagayan.

Ang tulong para sa mga ito ay umabot sa P580, 000 na kanilang magagamit para sa pagsisimula ng maliliit na negosyo tulad ng tile setting, hair and make-up services, carpentry, electronic repair, nail care, food vending, rice and feeds vending, fried chicken vending, at printing at lamination services.

Ayon kay Laura B. Diciano ng DOLE Cagayan Field Office, layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang ito na maiwasan ang masamang epekto ng child labor at maibalik ang mga bata sa paaralan.


Binigyang-diin din niya na ang kabuhayan ay makatutulong upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga pamilya at hindi na kailangang magtrabaho ng mga bata.

Facebook Comments