KAMPANYA KONTRA CLIMATE CHANGE | Singapore, magpapatupad ng carbon tax sa 2019

Singapore – Simula sa susunod na taon magpapatupad na ng Carbon Tax ang gobyerno ng Singapore.

Ayon kay Finance Minister Heng Swee Keat, layon ng hakbang na mapaigting ang kanilang kampanya kontra Climate Change.

Ipapataw ang buwis sa mga kumpanyang naglalabas ng mahigit 25,000 tonelada ng greenhouse gas kada-taon.


Umaasa naman ang Singaporean Government na sa pamamagitan ng carbon tax, madidisiplina ang mga kumpanya para limitahan ang pagbubuga nila ng Carbon Dioxide at iba pang greenhouse gas na nakakaapekto sa klima ng mundo.

Facebook Comments