
Palalakasin pa ng administrasyong Marcos ang kampanya laban sa mga cybercrimes sa pamamagitan ng informercials o information dissemination.
Ito’y matapos mapaulat na pumalo sa ₱5.82 bilyon ang nawala sa mga financial institutions na pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa cyberattacks noong 2024.
Sinasabing nagkaroon ito ng 2.6% na pagtaas kumpara sa 5.67 bilyon na nawala noong 2023.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t maglalabas aniya ng official statement ukol dito ang BSP, hinikayat ni Castro ang mga bangko na bumalangkas ng mga bagong internal policy hinggil dito.
Aminado naman si Castro na sumasabay sa makabagong teknolohiya ang mga cyber criminals kaya’t mahalaga aniya na sa ganitong paraan din lalabanan ang mga ito.