Kampanya kontra cybercrimes, mas palalakasin ng PNP

 

Tatalima ang Philippine National Police (PNP) sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na palakasin ang kanilang pagtugon sa cybercrime.

Ito’y matapos ang naging command conference kahapon kasama ang pangulo na isinagawa sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., committed ang Pambansang Pulisya sa pagpapalakas ng kanilang kampanya kontra cybercrime.


Ani Acorda, malaking hamon ang pagbabantay sa mga krimen sa internet kaya kinakailangan nilang palakasin ang cyber capability at communication equipment.

Nabatid na ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa PNP na palakasin ang kampanya laban sa cybercrimes sa gitna na rin ito ng magkakasunod na cyberattackks at email bomb threats sa mga tanggapan ng gobyerno.

Maliban dito, sumipa na rin kasi ang kaso ng cybercrime sa bansa na umabot sa 21,300 noong nakalipas na taon mula sa 13,890 noong 2022.

Facebook Comments