KAMPANYA KONTRA DROGA | 14 tao kasama ang isang dayuhan, huli sa iligal na droga sa Makati City

Makati City – Arestado ang 14 na tao kasama ang isang dayuhan sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Barangay Olympia, Makati City.

Target ng raid ang mga suspek na sina Ruben Jamon at Mercy Gudoy-Mamait, na umano ay lider ng Mamait drug group.

Sa ulat, pagpasok ng mga operatiba ng PDEA sa isang eskinita, nasalubong nila ang isang hindi pa nakikilalang dayuhan na kagagaling lamang sa isang bahay na ginagawang drug den.


Nahuli si Jamon at mga kasamahan niya na nagsa-shabu kung saan tinangka pa ng anak ng suspek na itapon ang droga ngunit nakita ito ng mga operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at mga sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P300,000.

Facebook Comments