Valenzuela City – Ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pagdedeklara sa 24 nilang mga barangay bilang “drug free” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kabilang sa mga nasabing barangay ay ang Arkong Bato, Balangkas, Bignay, Canumay East, Canumay West, Coloong, Dalandanan, Karuhatan, Lawang Bato, Mabolo, Malinta, Mapulang Lupa, Maysan, Parada, Paso de Blas, Pasolo, Pulo, Punturin, Rincon, Tagalag, Ugong, Veinte Reales at Wawang Pulo.
Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na maideklara din na drug free ang natitirang siyam sa 33 barangays sa lungsod ngayong katapusan ng buwan ng Abril.
Base naman sa Valenzuela Anti-Drug Abuse Council (VADAC), nasa 941 pasyente ang sumasailalim sa community wellness rehabilitation program, 15 ang nasa Central Luzon drug rehabilitation center sa Pampanga habang 66 ang nasa mega drug abuse treatment and rehabilitation center sa Nueva Ecija.
Nasa 182 din na mga dating drug users ang nakapagtapos na sa drug rehabilitation program sa Pampanga at Nueva Ecija.