KAMPANYA KONTRA DROGA | 7 patay, 811 arestado sa war on drugs ng pamahalaan nitong Holy Week

Manila, Philippines – Pitong drug suspek ang nasawi sa isinagawang anti-drug operation ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na limang araw na paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga nasawi ay naitala sa Region 3 na may tatlong drug suspek ang nasawi, isa sa Region 4A, isa sa Region 12 at isa sa ARMM.

811 drug suspek naman ang naaresto, 747 dito ay naitala sa National Capital Region (NCR).


Sa kabuuan 505 Police Operation ang kanilang ginawa nitong limang araw ng paggunita ng Semana Santa.

Sinabi ni PNP Chief ang pagkakapatay at pagkakaaresto ng mga drug suspek ay resulta lamang ng kanilang walang tigil na operasyon kontra droga kahit Holy week.

Hindi naman nagsagawa ng oplan tokhang ang PNP sa nakalipas na Holy week dahil holidays.

Paliwanag ni PNP Chief, office hours lamang mula Lunes hanggang Biyernes isinagawa ang oplan tokhang.

Facebook Comments