KAMPANYA KONTRA DROGA | Karapatang pantao, igagalang ng mga pulis kasabay ng giyera kontra droga

Manila, Philippines – Tiniyak ni bagong Department of the Interior and Local Government Officer-In-Charge Eduardo Año na igagalang ng pulisya ang karapatang-pantao ng mga mamamayan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ito ay sa gitna ng mga kritisismo sa war on drugs ng pamahalaan.

Hinimok rin ni Año ang publiko na mag-sampa ng kaso sa mga tiwaling pulis.


Siniguro rin ni new DILG Undersecretary Martin Diño, na lalahok ang lahat ng mga barangay sa bansa sa kampanya kontra droga.

Facebook Comments