Kampanya Kontra Droga, Mas Pinatindi sa Santiago City!

Santiago City, Isabela- Patuloy pa rin ang PNP Santiago sa pagpapaalala at pamimigay ng flyers sa mga residente ng lungsod bilang bahagi ng kanilang mas pinaigting na kampanya kontra krimen at droga.

Ito ang sinabi ni Police Senior Inspector (PCI) Dennis P. Matias, Deputy Station Commander ng Station 1 Santiago PNP sa pakikipag ugnayan ng RMN Cauayan News Team kahapon ng umaga, January 1, 2018.

Ayon sa kanya, laman ng mga flyers ang mga nakakasamang epekto ng droga sa kalusugan.
Ilan na rito ang mga sumusunod: pagkakaroon ng Hepatitis, Kidney Inflammation, Impulse Disorder, Dissociative Disorder, Eating Disorder, HIV Infection from needles, Cognitive Disorders at maaari rin itong ikamatay.


Batay sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, makukulong ng labindalawa hanggang dalawampung taon at magmumulta ng 300,000 pesos hanggang 400,000 pesos ang sinumang mahuhulihan ng humigit-kumulang limang gramo ng opium, porphin, cocaine o cocaine hydrochloride.

Dagdag pa ni PCI Matias na bagamat walang gaanong naitalang insidente sa nakalipas na pasko at pagsalubong sa bagong taon ay kanilang paiigtingin pa ang operasyon para sa seguridad ng komunidad.

Facebook Comments