Manila, Philippines – Matapos sumailalim sa pagsusuri, nag-negatibo sa paggamit ng ilegal na droga ang mga empleyado ng labing anim na major airports na nasa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ito ay alinsunod sa anti-drug efforts ng Duterte Administration at bilang bahagi ng kampanya ng DOTr at CAAP para sa isang drug-free workplace.
Ang Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine (OFSAM) ang nagsagawa ng random drug testing sa 2,187 employees.
Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade, nananatiling tapat sa pangako na linisin ang kagawaran sa mga tao na sangkot sa katiwalian, kundi pati na rin sa mga kawani na gumagamit ng iligal na droga.
Facebook Comments