KAMPANYA KONTRA DROGA | Momentum ng ‘war on drugs’ napanatili, ayon sa PNP

Manila, Philippines – Dumarami pa ang mga drug personalities ang naaresto sa ilalim ng pinaigting na ‘war on drugs’ ng pamahalaang Duterte.

Sa #realnumbers ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), mula July 1, 2016 hanggang March 20, 2018 ay pumalo na sa halos 124,000 na drug suspeks ang naaresto, higit 4,000 naman ang na-‘neutralize’ sa ikinasang halos 92,000 anti-drug operations.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Superintendent John bulalacao, napanatili ng PNP at PDEA ang momentum sa paglaban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-target sa mga high value drug suspect, traffickers at suppliers.


Bukod dito, nakatulong din ang project tokhang kung saan pinakikiusapan ang mga drug personalities na sumuko.

Nakapagkumpiska ang mga awtoridad ng higit dalawang libong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 13.46 billion pesos.

Nakapagbuwag din ng nasa 189 illegal drug facilities na binubuo ng 180 drug den at siyam na shabu laboratories.

Facebook Comments