Manila, Philippines – Hinahamon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ilabas na ang narco-list ng mga barangay officials na sangkot sa droga.
Ayon kay PDEA Chief Director General Aaron Aquino, bagaman may partisipasyon ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ay talamak pa rin ang droga sa kabila ng maraming operasyong ikinakasa nila at ng pulisya.
Nabatid na sa 42,000 na barangay sa bansa, nasa 30% ang walang BADAC.
Sa ilalim ng batas, aktibo dapat ang BADAC na responsableng gumawa ng mga programa para labanan ang droga.
Sa memorandum na inilabas ng DILG, Marso 21 na ang deadline para magsumite ang lahat ng barangay ng kanilang drugs watch list.
Tiniyak naman ng DILG na idinadaan nila sa verification process ang lahat ng mga pangalang nasa barangay watch list.