KAMPANYA KONTRA DROGA | PDEA, inilunsad ang ‘Bahay Silangan Program’

Manila, Philippines – Opisyal inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng community based reformation program para sa rehabilitasyon ng sumukong drug personalities.

Tatawagin itong ‘Bahay Silangan’.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, sa ilalim ng programa, magtatayo ng mga temporary shelters sa mga drug offender na layong matulungan silang magbago at maging self-sufficient at law-abiding members ng lipunan.


Ito aniya ay isang alternative intervention sa drug personalities na hindi maaring sumailalim sa medical treatment at rehabilitasyon na pinangangasiwa ng Department of Health (DOH).

Itatayo ang mga reformation facilities sa apat na pilot areas: General Santos City sa May 22; Cabanatuan, Nueva Ecija sa may 24; Capiz sa may 26; at Caloocan City sa May 30.

Facebook Comments