Kampanya kontra droga pinalakas

Mas pinapalakas parin ng Cotabato City Police Office ang kanilang kampanya kontra sa illegal na droga kung saan inihayag ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio na malaking bagay sa pagbaba ng krimen ang pinaigtng nilang panghuhuli sa mga taong sangkot sa kalakaran ng droga.. Sinabi ni Col.Octavio umaabot nasa kulang kulang isang daan katao ang kanilang nahuli nitong limang buwan ng 2018 sa drug operation ng City Drug Enforcement Unit katuwang ang apat na police station..Kayat nagsisiksikan ngayon sa mga selda ng mga police station dahil sa dami ng nahuhuli. Bilib siya sa ipinakitang performance ng kanyang City Drug Enforcement Unit.

Facebook Comments