KAMPANYA KONTRA DROGA | #Realnumbers ng mga napatay sa war on drugs, umabot na sa 4,000 ayon sa PDEA

Manila, Philippines – Umabot na sa higit 4,000 drug suspects ang napatay sa ilalim ng giyera kontra droga ng Duterte Administration.

Sa #realnumbers ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) mula July 01, 2016 hanggang March 20, 2018, nasa 4,075 drug suspects na ang napatay.

Mula sa Disyembre 2017 hanggang Marso ngayong taon, tinatayang nasa isang drug suspect lang ang namamatay bawat araw.


Sa halos 2,500 drug related killings, higit 1,700 kaso pa rin ang iniimbestigahan habang 715 kaso ang naresolba na.

Nakapagkumpiska na rin ng higit 2,600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 13.46 billion pesos at nakapag-aresto ng higit 123,000 drug suspects.

Facebook Comments