Kampanya kontra Droga sa Maguindanao mas palalakasin pa!- Gov. Toto

Pinangunahan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu kasama si Vice Governor Datu Lester Sinsuat ang isinagawang Provincial Anti-Drug Abuse Council Meeting.

Layun nito ay lalo pang paigtingin ang kampanya kontra droga sa lahat ng bayan ng lalawigan kasabay ng pagtugon sa adbokasiya ni Presidente Rody Duterte ayon pa kay Go. Toto, chairman ng PADAC .

Pinuri naman ng Gobernador ang mga inisyatiba ng bawat alkalde at mga baranggay opisyales sa pagiging sinsero ng mga ito na matuldukan ang problemang hatid ng ipinagbabawal na gamot.


Matatandaang abot sa labing isang libo katao mula sa ibat ibang bayan ng lalawigan ang naging drug surenderee kasabay ng TOKHANG Campaign.

Kasalukuyang abot na sa 159 na mga Baranggay mula sa 508 na Baranggay sa buong lalawigan ang nauna ng idiniklarang drug cleared.

Lumahok rin 3 Day PADAC Meeting sa Davao City sina PDEA ARMM RD Juvenal Azurin, Maguindanao PNP PD, 6th ID Representative,DILG , IPHO at DEPED Officials.

Halos kumpleto rin ang lahat ng mga alkalde ng 36 na bayan ng lalawigan, mga board members, at ilang bise alklade .

Facebook Comments