Kampanya kontra Droga sa Maguindanao nagpapatuloy!

Kulungan ang bagsak ng isang suspected drug personality sa ikinasang operasyon sa Tondo Street Baranggay Poblacion sa bayan ng Buluan.
Alas sais ng umaga ng isagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA BARMM, Buluan MPS at 40th IB ng Philippine Army.
Kinilala ni PNP BARMM Spokesperson PSInspector Jemar Delos Santos ang naaresto na si Jamerushien Espadera AKA Kokie 36 anyos na residente ng nabanggit na lugar. Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may market value na P 34, 000.
Nahaharap na sa kaukulang kasong paglabag sa RA 9165 si Espadera.
Samantala patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Abdullah Pendaliday AKA Grass Cutter matapos makatakas sa operasyon ng mga otoridad sa Barrio 5, Brgy. Malala Datu Paglas , noong Feb 21.
Habang patay naman sa operasyon ang mga kasama ni Grasscutter na sina Sindatuk at Norhamin Pendaliday. Nakumpiska sa area ang 5 gramo ng shabu na may street value na P34,000 ,narekober din sa lugar ang mga armas na kinabibilangan ng armalite, M14 , mga bala nito at mga motorsiklo
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang mga otoridad na magpapatuloy ang kanilang kampanya kontra mga drug personalities sa kanilang AOR habang binigyan naman ng papugay ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang mga pagsisikap ng mga otoridad para tuluyang masugpo ang problemang hatid ng droga.
Matatandaang mariing inihayag ni Governor Bai Mariam na kaisa ito ng Presidente sa kampanya kontra ipinagbabawal na gamot. Hinimok rin nito ang mga local officials , lalong lalo na ang mga bayan na wala man lang niisang baranggay na drug cleared na mas bigyan pa ng pangil ang war againts drugs.
WESTERN MINDANAO COMMAND PIC

Facebook Comments