Kampanya kontra fake news, isinusulong ngayong halalan

Tinututukan ngayon ng pamahalaan ang posibleng paglaganap ng fake news ngayong halalan.

Sa interview ng RMN Manila kay PCOO Spokesperson for Dismiss Disinformation Pia Roces Morato, isa ang fake news sa mga target ng Duterte administration na mahinto.

Sa pagsusulong ng kampanyang “No To Disinformation”, sinabi ni Morato na naka-focus sila ngayon sa halalan dahil sa pamamagitan ng fake news, posibleng sirain ang mga nararapatan na kandidato.


Aminado ang opisyal na malaking hamon sa kanila na iparating sa publiko kung ano ang fake news sa hindi kaya payo niya sa taongbayan, maging mapanuri sa mga ipino-post sa social website.

Facebook Comments