KAMPANYA KONTRA FAKE NEWS MAS PINAIGTING SA REGION 1

Bilang tugon sa lumalalang banta ng pekeng balita, lalo na sa nalalapit na halalan, binuo ng pulisya ang Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC).

Sa Region 1, pinaigting ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang pagpapatupad ng mga inisyatibo ng JAFNAC bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na protektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na balita sa social media at iba pang online platforms.

Sa Isang panayam Kay Police Brigadier General Lou Evangelista, Regional Director ng PRO1, malaki ang epekto ng online misinformation sa seguridad ng rehiyon.

Aniya, habang papalapit Umano ang halalan mas tumitindi ang fake news na Banta sa kapayapaan.

Dahil dito, naglunsad ng community based information drive ang PRO1 sa mga barangay, paaralan at komunidad.

Hinikayat din nito ang publiko na natutong mag verify ng balita bago ito ishare sa social media platforms. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments