Pinaigting pa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kampaniya na labanan ang “fake news” o disinformation.
Ito’y kasunod ng pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC) sa Presidential Communications Office o PCO para sa bukas at interactive na pamahalaan.
Pinangunahan ng BOC Public Information and Assistance Division – Customer Assistance and Responsive Services ang isang virtual orientation hinggil sa prinsipyo ng Freedom of Information.
Dumalo sa nasabing okasyon si BOC Internal Administration Group head at Acting Deputy Commissioner Michael Fermin gayundin ni Director Bienvenido Datuin Jr kasama ang FOI Compliance Monitoring Officers ng PCO.
Dito, tinalakay ang ugnayan ng dalawang ahensya para sa accessible, responsive at transparent na pamahalaan na magreresulta naman sa pagkuha ng tiwala ng publiko.