Thursday, March 26, 2026

KAMPANYA KONTRA ILEGAL NA DROGA SA URDANETA CITY, PATULOY NAPINAIIGTING

Nagbigay ng ulat ang Urdaneta City Police Station hinggil sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa isinagawang joint quarterly meeting ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) at City Peace and Order Council (CPOC) na ginanap sa Audio-Visual Room ng lumang City Hall.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga patuloy na operasyon at hakbang ng kapulisan upang labanan ang paglaganap ng ilegal na droga sa lungsod. Layunin din ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan, law enforcement agencies, at iba pang stakeholder upang mas epektibong matugunan ang mga isyung may kinalaman sa droga at kapayapaan.

Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa Urdaneta City. Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan, inaasahang mas mapapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at masisiguro ang kaligtasan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments