Kampanya kontra ilegal na droga, tagumpay para sa Pamahalaan

109

MANILA, PHILIPPINES – Isang tagumpay para sa pamahalaan ang kampanya kontra iligal na droga.

 

Ito ang naging reaksyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos ang pag-aresto kay Sen. Leila De Lima kaugnay sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa pagkakasangkot sa ilegal drug trade sa New Bilibid Prison.

 

Binigyan diin ni Alvarez na nagpapakita lamang ang pagpapaaresto kay De Lima na “no one is above the law”.

 

Naniniwala naman lider ng kamara na dapat ay sa muntinlupa ikulong si De Lima kasama ng kanyang mga kasoka o kaya ay ipasok ito sa mental hospital.

 

Matatandaan na mismong si Alvarez ang siyang naghain ng resolusyon sa kamara para paimbestigahan ang paglaganap ng iligal na droga sa bilibid.

 


Facebook Comments