
Mas pinaigting ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang kanilang kampanya laban sa iligal na baril ngayong Enero upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Naitala ng kapulisan sa loob ng isang buwan ang 19 operasyon sa iba’t ibang panig ng rehiyon, na nagresulta sa pag-aresto ng 20 indibidwal dahil sa paglabag sa batas kaugnay sa pag-aari ng ilegal na armas.
Sa kabuuan, 163 baril ang naitala mula sa mga operasyon kung saan 120 baril ang boluntaryong isinuko, 20 baril ang nakumpiska, 17 baril ang idineposito para sa safekeeping, at 6 baril ang narekober mula sa iba pang operasyon.
Ayon sa PRO 1, ang pinaigting na kampanya ay layuning bawasan ang mga baril na hindi rehistrado para sa kaligtasan ng komunidad laban sa mga posibleng panganib. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










