Kampanya kontra iligal na paggamit ng uniporme ng pulis, pinahigpitan ni PNP chief

Pinahihigpitan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng Police Regional Directors ang kampanya laban sa ilegal na paggamit ng uniporme ng pulis.

Ito ay matapos makarating ang ulat sa PNP Chief na nakasuot ng “pixelized police uniform” ang mga nanambang at pumatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa.

Ayon kay Azurin, dapat humingi muna ng kaukulang dokumento ang mga nagbebenta ng uniporme ng pulis sa kanilang pinagbebentahan.


Kasunod nito, inatasan din ni Azurin ang PNP Anti-Cybercrime Group na huliin ang mga online-seller ng uniporme ng pulis.

Paalala pa nito, bawal magsuot ng uniporme ng pulis ang hindi naman pulis.

Una naring ipinag-utos ng PNP Chief na imbestigahan ang posibilidad na mga pulis ang responsable sa insidente dahil sa kanilang kasuotan.

Facebook Comments