Pinangunahan ni Sultan Kudarat Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura ang isinagawang 2nd SK-LGU Summit Againts Illegal Drugs at Launching ng Drug Rehabilitation Program ngayong araw sa SK Gym.
Nilahukan ito ng 900 na mga drug surrenderers mula sa mga ibat ibang barangay ng bayan.
Layun ng programa ay para maipagpatuloy ang monitoring sa mga naunang naapektuhan ng ipinagbabawal na gamot at maipagpatuloy ang mga pagsisikap ng mga ito para makapagbagong buhay sa naging pahayag ni Mayor Shameem.
Kabilang sa mga naging inisyatiba ng LGU ang pagkakaloob ng libreng pag aaral sa Tesda. Matatandaang ilang Baranggay na rin ng Sk ang deklaradong Drug Cleared na ayon sa mga otoridad.
Dumalo sa aktibidad si Maguindanao PNP Director SSupt Agustin Tello kasama ang ilang opisyales ng PDEA ARMM, 37th IB Batcom Col. Florencio Pulitod Jr.
Muli namang binalaan ng alkalde kasama ang mga otoridad na walang puwang sa SK ang mga nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga.