Palalakasin ng Pangasinan PNP ang kampanya nito kontra illegal gambling dahil sa talamak na kaso nito sa lalawigan. Sa panayam ng iFM Dagupan kay Information Officer P/Capt. Rhea Tacderan, sinabi nito na inilunsad nila kahapon ang “One Time Big Time” na operasyon sa pagsasawata ng mga ilegal na pasugalan.
Target nito na maging illegal gambling free ang probinsiyang Pangasinan. Asahan umano ang aktibong paglilibot ng mga tropa ng PNP Pangasinan upang ipatupad ito. Bagamat naging abala ang PNP sa kakatapos na eleksyon pagtutuunan din nila ng pansin ang pagsasawata sa illegal gambling at iba pang mga ilegal na gawain. Ipinagmalaki ni Tacderan ang accomplishments ng bawat police station ng iba’t ibang bayan at siyudad sa Pangasinan pagdating sa datos ng mga nahuli dahil sa illegal gambling. Inig sabihin lang nito na aktibo at seryoso ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng nasabing operasyon
Sa report ng PNP nadakip nila ang isang dating kagawad at nakumpiska ang mga gambling money at gambling paraphernalias. Dagdag ni Tacderan na itigil na ang illegal gambling dahil isa ito sa sumisira ng buhay ng tao. Asahan naman daw sa mga darating na araw ang muling pinag-igting namang kampanya kontra illegal drugs.