Kampanya kontra illegal na sugal, mas pinalakas pa ng pamahalaan

Nagsanib pwersa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR  at apat na iba pang ahensya ng pamahalaan para paigtingin pa ang laban ng bansa sa illegal gambling sa pamamagitan ng Mutual Cooperation Agreement.

 

Layon nang naturang Inter-Agency Council na tugonan ang Executive Order no. 13 na magpapatibay sa laban sa illegal na sugal at linawin ang Jurisdiction at otoridad ng bawat concerned Agencies sa pag regulate at pagbibigay ng lisensya sa gambling and online gaming facilities.

 

Kabilang sa apat na katulong ng pagcor ay ang Phlippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, at ang Office of Cybercrime na nasa ilalim ng Department of Justice kung saan ito ang mga mangangasiwa ng intel gathering, investigations and prosecution ng illegal online gaming activities.


 

Base narin sa kanya kanyang mandato ng mga nabanggit na ahensya, ang mga ito ay maaring magbigayan ng impormasyon, mga developments sa mga kaso at kahit mag bigay ng manpower para sa mga intel operations, surveillance, raids, pag aresto at sa mismong prosekyusyon.

 

Habang ang PAGCOR naman, bilang tumatayong central processing agency ay siyang responsable sa operation control ng Inter Agency Council at maging sa pag pondo ng mga proyekto nito.

Facebook Comments