CAUAYAN CITY – Nakiisa sa pagdiriwang ng kampanya kontra karahasan sa mga kababaihan ang bayan ng Quezon, Isabela.
Sa aktibidad, nagkaroon ng mga pag-aaral sa iba’t-iabnag batas gaya ng RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act; RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children; at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.
Bukod dito, nagkaroon din ng talakayan tungkol sa mga legal protections laban sa digital exploitations at cyber libel.
Ang nasabing kampanya ay upang labanan ang pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan at mga bata tungo sa pamayapa at ligtas na pamamuhay.
Nilakuhan ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kawani ng Municipal Social Welfare and Development, non-governmental organization (NGOs), at iba pang sektor na sumusuporta sa pagbuo ng ligtas na kapaligaran para sa lahat.