KAMPANYA KONTRA KRIMINALIDAD | Mahigit 90 personalidad, naaresto sa ibat-ibang paglabag sa Manila

Manila, Philippines – Pumalo na sa 97 personalidad ang pinagdadampot ng Manila Police District (MPD) dahil sa ibat-ibang mga paglabag kabilang ang illegal drugs, illegal gambling,physical injury, robbery & theft, city ordinances , warrant of arrest at iba pang kaso.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo ang pagkakaaresto sa 97 katao ay resulta ng kanilang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga sa Manila.

Paliwanag ng opisyal bilang patunay na puspusan ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga ay nakakumpiska ang MPD ng 61 pirasong plastic sachet na naglalamang pinaghihinalaang shabu, 48 pirasong suspected party drugs at 28 pirasong mga drugs paraphernalias, .38 revolver w/ one live ammo, 1.38 revolver at 1.45 Caliber pistol w/ one magazine at P1223.00 mula sa illegal gambling.


Giit ni Margarejo, hindi sila titigil hanggat hindi mauubos ang mga masasamang elemento sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments