
Manila, Philippines – Bumaba ang bilang krimen sa bansa sa unang apat na buwan ng 2018.
Sa datos mula sa Philippine National Police (PNP), mula Enero hanggang Abril nasa 149,491 crime incidents ang naitala sa buong bansa, 18% na mas mababa kumpara sa naitalang 183,242 sa kaparehas na panahon noong 2017.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, tiniyak nila na maayos at mapayapang makakapamuhay ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kampanya kontra kriminalidad.
Sinisisi ni Albayalde ang mga naninira sa administrasyon dahil nagdudulot lamang ito ng pangit na imahe sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Facebook Comments









