Kampanya kontra loose firearms nagpapatuloy sa AOR ng 6th ID

Abot na sa 302 na mga baril mula sa ibat ibang bayan ng Maguindanao ang naibalik sa pamahalaan kasabay ng nagpapatuloy na kampanya kontra loose firearms ng 6th Infantry Division.

Sa impormasyon mula kay Army. Lt Col. Gerry Besana , Joint Task Force Central Spokesperson at kasalukuyang 6th ID CMO Chief, pinakahuling nagsagawa ng balik baril program ay mula sa bayan ng Ampatuan noong March 31.

Nanguna sa aktibidad si Ampatuan Mayor Rasul Sangki katuwang si 1st Mech BatCom Lt. Col Lauro Oliveros resulta sa paturn-over ng 60mm mortar, Minimi Light Machine Gun, homemade Caliber .45 Uzi, dalawang homemade caliber 9mm Uzi, Homemade KG 9, homemade 5.56mm with attached Shotgun, 3 homemade Shotguns, homemade 5.56mm M16 rifle, 3homemade M79 Grenade Launchers, at isang Cal. 38 revolver. Isinagawa ang aktibidad sa covered court ng munisipyo.


Lubos naman ang pagpapasalamat ni 6th ID Commander MGen Arnel Dela Vega sa patuloy na pagtugon ng mga residente ng lalawigan at pakikiisa ng mga ito sa programa.

Matatandaang unang isinagawa ang Balik Baril Program sa Iranun Towns ng Maguindanao at sinundan na ng ibat ibang mga LGU.


Facebook Comments