Mas tinututukan ng awtoridad ang kampanya laban sa mga ilegal na baril sa Pangasinan, lalo ngayong election period.
Sa tala ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), sa ngayon mayroong ng limampu’t-apat (54) na mga nakumpiskang mga baril habang mayroong labing-isa (11) naman ang narecover.
Isang daan at pitumpu’t-pito (177) ang nakolektang deposited firearms para sa safekeeping habang nasa isang daan at tatlo (103) ang naisurrender.
Ngayong panahon ng eleksyon, umabot na sa mahigit apatnapu (40) ang naitalang lumabag sa umiiral na Gun Ban simula Enero.
Samantala, patuloy pang pinalalakas ng hanay ang kanilang Revitalized Katok kaugnay pa rin sa usaping loose firearms. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









