Umabot na sa 107 na indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office 1 sa pagpapaigting nito sa kampanya kontra loose firearms.
Ayon kay PCOL Charlie Umayam, PRO1 Chief ng Regional Operations Division, nakumpiska mga taong ito ang 292 na illegal firearms.
350 na loose firearms din ang ipinasakamay ng kustodiya ng awtoridad sa ilalim ng Oplan Katok.
Aniya, walang dapat ikatakot ang mga gun owners sakaling bisitahin ang mga ito sa kanilang tahanan dahil ito ay isang paraan upang paalalahanan sila ukol sa Gun Renewal Ownership.
Kung hindi man makapagparehistro ang mga gun owners kinakailangan ipa-sa kamay ang mga ito sa local police para sa peace-keeping. |ifmnews
Facebook Comments