Tuesday, January 20, 2026

KAMPANYA KONTRA LOOSE FIREARMS SA ALAMINOS CITY, PINAIGTING

Mas pinaigting ngayon ng Alaminos City Police Station ang kanilang kampanya laban sa mga loose firearms o mga hindi rehistradong baril.
Aktibong isinasagawa ang mga operasyon at inspeksyon upang sugpuin ang paglaganap ng mga ilegal na baril sa komunidad.
Ayon sa Alaminos City Police Station, kabilang sa mga loose firearms ay ang mga baril na hindi rehistrado, may tampered o binagong serial number, mga nawawala o nanakaw na baril, at mga hawak ng indibidwal na walang kaukulang lisensya o may kanseladong permit.
Dagdag ng pulisya, ang mga ito ay karaniwang nagagamit sa mga krimen tulad ng illegal possession, pagnanakaw, at karahasang may kinalaman sa eleksyon. Dahil dito, hinihikayat din ng pulisya ang pagsuko ng mga loose firearms upang maiwasan ang pananagutan sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments