KAMPANYA KONTRA MADAYANG TIMBANGAN, PINAIIGTING NG DTI-ISABELA

Cauayan City – Mahigpit na pinaiigting ng DTI-Isabela ang kampanya kontra sa madayang mga timbangan sa mga pamilihan at gas stations sa lalawigan ng Isabela.

Sa pinagsanib na pwersa ng DTI-Isabela at mga LGU’s, kanilang sinuri ang mga 900 timbangan at 126 fuel pumps sa iba’t-ibang mga palengke at gas stations sa buong lalawigan upang masiguro na ang mga ito ay tama at sumusunod sa panuntunan na itinalaga ng Consumer Act of the Philippines.

Ang mga timbangan at fuel pumps na nabistong hindi sumusunod sa panuntunan ay ipinasakamay sa kani-kanilang mga LGU’s upang hindi na magamit pa sa pagbibigay ng hindi tamang sukat sa mga produktong binibili ng mga konsyumer.


Samantala, magpapatuloy naman ang pag-iimplementa ng aktibidad na ito ng DTI sa iba’t-ibang lugar sa buong buwan ng Oktubre.

Facebook Comments