Friday, February 20, 2026

KAMPANYA KONTRA PANINIGARILYO AT VAPE, DINALA SA MGA PAARALAN SA ALAMINOS CITY

Muling isinagawa kahaponng Public Order and Safety Office Alaminos City ang panibagong batch ng Orientation Seminar para sa ordinansang Smoking and Vaping and its Ill Effects to Health sa Polo National High School, bilang bahagi ng pagpapaigting ng kampanya laban sa paninigarilyo at paggamit ng vape sa mga kabataan at kawani ng paaralan.

Matapos ang huling pagsasagawa noong nakaraang taon, layunin ng seminar na ipaalala ang kahalagahan ng pagsunod sa umiiral na ordinansa at ipabatid ang patuloy na banta ng paninigarilyo at vaping sa kalusugan.

Pinangunahan ng tanggapan ang aktibidad, kasama ang mga piling resource speakers kung saan naibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga probisyon ng batas, kaukulang parusa, at ang masasamang epekto ng paninigarilyo at vaping sa katawan.

Patuloy namang nananawagan ang POSO sa publiko, lalo na sa mga mag-aaral at kanilang pamilya, na makiisa sa ganitong mga programa at suportahan ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan para sa pangangalaga ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

Facebook Comments