Kampanya kontra paputok ng DOH naging matagumpay ayon sa Malacañang

“Relatively Successful”

Ito ang assessment ng Malacañang sa kampanya ng Dept. of Health (DOH) kontra paputok ngayong holiday season.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang naitalang nasawi bunsod ng paputok.


Patunay din aniya dito ang mababang bilang ng napaulat na firework-related injuries sa buong bansa.

Samantala, sinabi ni Panelo na maaaring sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang tuluyang pagbawalan ang lahat ng uri ng paputok sa bansa.

Facebook Comments