Mahigit 500 Volunteer Health Workers ang kakailanganin ng Cotabato City LGU upang maging katuwang ng City Health Office sa isasagawang “Sabayang Patak Kontra Polio” sa darating na November 25 hanggang December 7 sa 37 mga barangay ng Lungsod.
Mangangailangan sila ng mahigit 20 volunteers sa kada barangay para sa isasagawang House to house campaign, at paglilibot sa mga Mall, Terminal at iba pang mga pampublikong lugar ayon aky Cotabato City Administrator, Dr. Danda Juanday.
Target ng City LGU na makamit ang 95 percent na accomplishment rate sa Polio Immunization Program.
33 libong mga batang edad 0 to 59 Months old sa lungsod ang nais mabigyan ng polio vaccine ng City Health Office sa Round 1 ng programa.
Hinihimok naman ng City Government sa pangunguna ni Mayor Cynthia Guiani ang lahat ng kanyang mga kababayan na makiisa sa kampanya ng Health Department para na rin sa magandang kalusugan lalo na ng mga kabataan.
CM Pic
Kampanya kontra Polio mas pinalakas pa ng Cotabato City Government
Facebook Comments