Ipinagpapatuloy ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang “Sabayang Patak Kontra Polio” upang labanan ang poliovirus outbreak sa Pilipinas.
Ang polio vaccine ay pansamantalang natigil dahil sa COVID-19 pandemic.
Isinasagawa sa Mindanao ang 3rd round ng “Sabayang Patak Kontra Polio” na nagsimula na kahapon, Hulyo 20 hanggang Agosto 2, 2020 para sa mga bata na may edad 5-anyos pababa.
Dito sa Cotabato city, inihayag ni City Health Officer Dr. Miyesser Patadon na mahigit 36, 000 bata na edad limang taong gulang pababa ang target nilang mabigyan ng nabigyan o wala noong una at ikalawang round ng Sabayang patak.
Suportado naman ng LGU Cotabato sa pangunguna ni Mayor Cynthia Guiani Sayadi ang kampanya ng Health Department sa syudad.
Ang outbreak ng polio sa bansa ay inanunsyo noong Styembre 19, 2019 kung saan kauna-unahang nakumpirma ang kaso sa isang 3-anyos na babae mula sa Lanao del Sur.
Ang nasabing mga kaso ay natukoy sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao o BARMM, Region 12 (Soccsksargen), Region 3 at Region 4A.
PIC: EBD
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>