Pinalalakas sa Basista ang kampanya kontra rabies sa pamamagitan ng libreng pagbabakuna sa mga alagang hayop na isasagawa mula Enero 6 hanggang 9, 2026, sa Agriculture Sub-station sa Barangay Dumpay.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng aktibidad na mapanatiling rabies-free ang komunidad at maiwasan ang panganib ng sakit sa mga hayop at publiko.
Paalala ng mga awtoridad na ang mga alagang hayop ay dapat tatlong buwan pataas, malusog, at nakatali o nasa carrier habang dinadala sa lugar ng pagbabakuna.
Hinihikayat ng LGU ang mga pet owners na makiisa sa kampanya at samantalahin ang libreng serbisyo bilang hakbang sa proteksyon ng kalusugan ng mga residente ng bayan.
Facebook Comments







